umagang umaga day01
May 18th, 2009 by mariejoannenapag-isipan ko na mag-umpisa ng serye tungkol sa bawat umagang nagugugol kasama ang isang kasambahay sa may kalye ng santillan - walang iba kundi si manang mhalyn.
bago ko pa man isalaysay ang naging kwentuhan namin kanina, gusto ko muna ipakilala si manang mhalyn. sya ang dakilang VP for General Operations ng Boarding House ni Ate - isang maliit ng boarding house kung saan ang inyong abang lingkod ay nanirahan at kasalukuyan pa ring naninirahan. ![]()
isang malaking responsibilidad ang maging tagapangasiwa ng General Operations. Dito po nkasalalay ang pamamalengke, pagluluto, paghahain, pagbabalot ng baon, paglilinis at pagpapanatili ng kuryente at tubig.
at dahil sa dami ng responsibilidad, hindi na rin nagawa ng ating bida ang paghahanap ng kanyang LOVE LIFE at natutuwa na lamang sa mga gawaing bahay at aming pag-tsi-tsismisan. at ang ilan dito ay ating isasalaysay.
sa kasalukuyan, isang pinag-ngi-ngitngitan ng ating mga bida ay si “Amihan”. Aba, kung bakit Amihan sya ay naturingan ay hindi dahil kasingganda nya si Iza Calzado sa Enkantadia kundi dahil sa lakas ng hangin na kanyang dala. Bukod sa hangin, at dala rin ang kakaibang pagdadala - na kapag takipsilim ay dumarating minsa’y rumarampa na damit ay animong kinapos ng tela datapwat mukha ay sobra sobra.
Isa pang pinagngingitngitan ay si “Long”. hindi nya kamukha si Long Mejia. Long ay dahil pinapahaba nya ng lubusan ang pasensya ng ating VP at syempre ng El Presidente ng aming abang tirahan. Hindi mayaman ang ating Presidente at VP pero kung pagtulong ay kailangan, hindi ka nila uurungan. Ngunit itong si Long, aba’y ewan. Ilang beses nang nasesermonan dahil sa malamang maling pagharap sa mga responsibilidad na malamang naaabuso ang kabaitan ng ating mga bida.
Isa pa ay ang “Dobol-Trobol”. Mga ning… wag nyong aksayahin ang mga pagkakataon na ibinibigay sa inyo ng inyong mga tsimay… este.. tiyahin. Aba, kung kami nga, kahit na patulugin sa labas, uuwi at uuwi kami kahit na ma-sermonan dahil tama ang mga gumagabay sa ating pagtanda. Kung may problema sa mga pinag-aaralan, aba’y mag-aral! haha! Mahirap ang buhay. Kelangan mo lahat ng armas na ibinibigay syo upang baybayin lahat ng pagsubok at mamuhay ng tiwasay.
ayan… bukas naman. mejo bitin ang pagtatapos, pero meron pa po sa susunod para maibsan ang bitin.
hehehe!